500 pulis Maynila, magbabantay sa mga lansangan sa Chinese New Year

 

Inquirer file photo

Magpapakalat ang Manila Police District (MPD) ng nasa 500 ng kanilang mga tauhan para magbantay sa pagdiriwang ng Chinese New Year sa Sabado.

Ayon kay MPD Chief Director Supt. Joel Coronel, magde-deploy rin sila ng explosives and ordnance disposal team.

Samantala, hindi naman magkakaroon ng signal jamming, tulad ng ginawa nila sa prusisyon ng Itim na Nazareno.

Bagaman magsisimula na ang ilang programa sa pagdiriwang ng alas-5:00 ng hapon mamaya sa Plaza San Lorenzo Ruiz, sisimulan naman ang New Year countdown ganap na alas-11:00 ng gabi mamaya.

Inaasahang aabot sa 20,000 hanggang 30,000 ang dadalo sa parada ng alas-4:00 ng hapon at magdiriwang sa January 28, araw ng Sabado.

Isasara ang ilang kalsada sa Binondo para sa parada pero agad naman itong bubuksan pagkatapos nito.

Read more...