‘Transformers’ star Shia LaBeouf, inaresto sa anti-Trump protest

 

Dinakip ng mga otoridad ang aktor na si Shia La Beouf matapos itong lumahok sa protesta laban sa bagong-upong pangulo ng Amerika na si Donald Trump.

Binitbit ng mga pulis ang aktor habang nagpoprotesta sa harap ng Museum of Moving Image sa Queens, New York habang sumisigaw ng mga katagang ‘He will not divide us’ na bumabatikos sa mga polisiyang isinusulong ni Trump na anila’y nagiging dahilan ng pagkakawatak-watak ng mga Amerikano.

Una rito, nakasagutan umano ng 30-anyos na aktor  ang isang lalake na nagresulta upang rumesponde ang mga pulis.

Nagsimulang magprotesta kontra Trump si LaBeouf at ilan pang artisa noong January 20, na araw ng inagurasyon ng bagong pangulo ng US.

Bago palayain, kinasuhan muna ang aktor ng misdemeanor assault at harssament at nakatakdang humarap sa korte sa April 4.

Sumikat si LaBeouf sa mga pelikulang ‘Transformers’, ‘Fury’ at ‘Indiana Jones and the Kingdom of the Crystal Skull’.

Read more...