Mahigit P54M unexplained wealth ng mga Ampatuan, pinababawi ng Ombudsman

Ombudsman PhotoIpinag-utos ng Office of the Ombudsman ang paghahain ng forfeiture case para mabawi ang mahigit P54 milyon na hindi maipaliwanag na yaman ng yumaong si dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr., at misis nitong si Bai Laila Uy Ampatuan.

Ang halaga ng mga ari-arian ng mag-asawang Ampatuan na aabot sa P54,965,526 ay nakuha umano nila mula taong 2002 hanggang 2007.

Matapos magsagawa ng lifestyle check investigation, natuklasan ng Ombudsman na “out of proportion” sa sweldo ng dating gobernador ang laki ng yaman nito.

Nabigo umano si Ampatuan Sr., na ideklara ang labinglimang real estate properties nito at 25 mga sasakyan, gayundin ang 23 mga armas.

Paliwanag ng Ombudsman, kahit nasawi na si Ampatuan Sr., hindi naman mangangahulugan na hindi na siya mananagot sa ilalim ng R.A number 1379 kaya maari pa ring isampa ng pamahalaan ang petition for forfeiture.

 

 

Read more...