Nakapagtala ng 6.8 percent na paglago sa ekonomiya ng bansa noong nakaraang taon 2016.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ito na ang pinakamabilis na growth rate sa bansa mula taong 2013 kung saan nakapagtala ng 7.1 percent na paglago sa ekonomiya.
Pasok din ang nasabing datos sa 6-7 percent growth target ng Duterte administration para sa nagdaang taon.
Sinabi ni National Statistician Lisa Grace S. Bersales, sa huling quarter ng taong 2016, nakapagtala ng paglago sa gross domestic product (GDP) ng aabot sa 6.6 percent.
Ang nasabing datos para sa last quarter ng nakalipas na taon ang nakapag-ambag para sa full-year 2016 growth rate.
MOST READ
LATEST STORIES