WATCH: Away mag-asawa, nauwi sa trahedya sa Pasay City, dalawa ang patay

Kuha ni Cyrille Cupino
Kuha ni Cyrille Cupino

Nauwi sa trahedya ang away mag-asawa sa Duhat St., Brgy. 145, Zone 16, Pasay City.

Kwento ng kapitbahay na si Danica Natural, narinig niya na nag-aaway ang mag-asawang Leonora Repeulo at Walid Marohomsar pero hindi umano niya maintindihan ang sinasabi ng mga ito.

Matapos lang umano ang ilang minuto, nakarinig na siya ng tatlong magkakasunod na putok ng baril.

Nakitang nakahandusay sa loob ng kanilang kwarto ang misis na nagtamo ng mga tama sa ulo.

Ayon naman kay Sonny Sumayo, brgy. ex-o, may residenteng nag-report sa kanila na nakarinig ng putok ng baril.

Rumesponde naman agad ang SWAT sa lugar at na-korner ang suspect sa banyo sa ikatlong palapag ng bahay.

Tumangging sumuko ang suspect dahilan para paputukan na ng mga miyembro ng SWAT.

Nakuha sa kamay ng suspect ang isang kalibre .38 na revolver.

Iniimbestigahan pa ngayon ng mga pulis ang motibo ng suspect sa pagpatay sa kanyang misis.

 

Read more...