Hihilingin ng Pilipinas sa Amerika na maalis sa kanilang terror list si Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison.
Ayon kay Labor Secretary at Government Peace Panel negotiator Silvestre Bello III, gagawa ng hakbang ang gobyerno para mawala ang label na terorista ni Sison.
Ito aniya ay bilang paghahanda sa pulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa communist leader.
Nasa Rome, Italy si Bello para sa peace talks sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at ng CPP.
Hindi pa nadedesisyunan ang magiging venue ng meeting nina Duterte at Sison.
Una nang tinanggal si Sison sa terror list ng European Union.
Sinabi naman ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza na ang pagtanggal kay Sison sa terror list ay magsusulong ng peace process at pwedeng sundin ito ng EU at US.