Ito’y sa kabila ng pagsibak umano sa kanya bilang miyembro ng Kabayan partylist.
Sa kabila nito, inamin ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas na hindi pa alam ng liderato ng Kamara kung papaano reresolbahin ang kaso ni Roque.
Pero kung wala pang pinal na desisyon, si Roque ay mananatiling House member at magpapatuloy sa kanyang trabaho sa kapulungan.
Ayon kay Fariñas, ibang-iba ang school of thought sa isyu ni Roque, na napag-initan ng kanyang sariling grupo.
Mayroon aniyang nagsasabi na dapat ang Commission on Elections o Comelec ang nararapat na magresolba ng isyu.
Subalit mayroon ding nagsasabi na ang House of Representatives Electoral Tribunal o HRET ang dapat na magpasya kung tatanggalin o hindi si Roque.
Pero sa ngayon, sinabi ni Fariñas na kakausapin niya sina Roque at Ron Salo, na kinatawan din ng Kabayan partylist.