Robredo nagpahatid ng pakikiramay sa mga kaanak ng binitay na OFW sa Kuwait

Leni1
Inquirer file photo

Handa ang tanggapan ni Vice President Leni Robredo na magbigay ng tulong sa pamilya ng binitay na Overseas Filipino Worker na si Jakatia Pawa.

Inihayag ito ni Robredo kasabay ng pagpaparating ng pakikiramay sa pamilya ng binitay na OFW.

Ayon sa pangalawang pangulo, plano nilang makipag- ugnayan sa mga kaanak ni Pawa sa panahon na ito ng pagsubok.

Kaugnay nito, hinikayat nito ang lahat na patuloy na magtrabaho para sa kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers na araw-araw na nagsasakripisyo para sa kanilang pamilya at bansa.

Hinimok din ng opisyal ang pamahalaan na silipin ang kalagayan ng mga OFW na nasa death row sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Air Force Lt. Col. Gary Pawa, na ang tanging hiling ng kanyang binitay na kapatid ay mabigyan ng scholarship ng pamahalaan ang kanyang dalawang anak.

Read more...