Mga Fil-Am na pulis nagdonate ng mga gamit sa PNP

Faleo2
Photo: Ruel Perez

Tuloy ang nakagawiang pagbibigay ng mga donasyon sa Philippine National Police (PNP) ng grupo ng mga Filipino- American Law Enforcement Officers o FALEO

Ito ay sa kabila ng issue ng EJK o Extra Judicial Killings na ipinupukol ng ilang mga American officials sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Lt. Eric Quema, retired police officer ng San Francisco Police Department, usaping pulitikal ang EJK at human rights violations at hindi na umano nila pinakikialaman ito.

Paliwanag ni Quema, kahit na pinutol na ng SFPD ang kanilang suporta sa PNP ay itinuloy pa rin nila ang pagbibigay donasyon sa kanilang mga counterparts sa Pilipinas.

Giit ni Quema, ang FALEO ay isang brotherhood  organization na hindi nakikialam sa pulitika at walang ibang intensyon kundi tulungan ang mga katulad nilang law enforcers sa bansa.

Kasama sa kanilang mga donasyon na nagkakahalaga ng P1.5 Million ang mga bullet proof vest, holster, anti-riot equipments at mga office supplies.

Malugod naman na tinanggap ng mga pulis mula sa iba’t ibang units sa National Capital Regional Police Office (NCRPO) at Speacial Action Force (SAF) ang mga nabanggit na law enforcement equipments.

 

Photo; Ruel Perez
Read more...