Ikinalungkot ng Malacañang ang pagbitay ng Kuwaiti government sa Pinay OFW na si si Jakatia Pawa.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ginawa ng gobyerno ang lahat ng pamamaraan para maibigay ang lahat ng legal rights ni Pawa.
Sinabi pa ni Abella na ginamit din ng gobyerno ang lahat ng paraan kabilang na ang diplomatic means para iligtas sa kamatayan ang nasabing OFW.
Gayunman, hindi na umano mapigilan ang pagbitay kay Pawa base na rin sa nakasaad sa batas ng Kuwait.
Sa ngayon ayon kay Abella, nakikipag-ugnayan na ang Department of Foreign Affairs sa pamilya Pawa para matulungan ang mga ito.
Ayon kay Abella, ipinagdarasal ng Malacañang si Pawa at ang kanyang buong pamilya.
Kamakailan lang ay sumulat si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamahalaan ng Kuwait sa pag-asang maisasalba sa death row si Pawa.