Mga truck na may kargang oil products, exempted na sa truck ban sa EDSA

edsa trafficMaaari nang dumaan sa EDSA ang mga trak na nagkakarga ng langis.

Ito ay matapos i-exempt ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga fuel delivery truck mula sa umiiral na truck ban na ipinatutupad sa EDSA-Magallanes sa Makati City hanggang EDSA-North Avenue sa Quezon City.

Dahil dito, maaari nang magdiskarga ng mga fuel trucks sa mga gasolinahan sa EDSA at maging sa NAIA simula hatinggabi hanggang alas-4:00 ng umaga.

Pinagbigyan ng MMDA ang kahilingan ng Petroleum Industry of the Philippines na payagan ang fuel delivery trucks na makapag-refill sila sa oil depots sa NAIA dahil hindi kayang mag-imbak ng mga ito ng malaking volume na pang matagal na panahon.

Read more...