Pamilya at mga kaanak, ginunita ang kaarawan ni dating Pangulong Corazon Aquino

Inquirer Photo | Lyn Rillon
Inquirer Photo | Lyn Rillon

Ginunita ngayong araw ng mga pamilya at kaanak ang ika-84 na kaarawan ni dating Pangulong Corazon Aquino.

Maaga pa lamang puno na ng mga bulaklak ang puntod ng mag-asawang Corazon at Benigno Simeon “Ninoy” Aquino II sa Manila Memorial Park sa Parañaque City.

Nabalot ng mga kulay dilaw na Malaysian mums, daisies, orchids at stargazer ang puntod ng mag-asawa na likha ng florist na si Sally Ang mula sa Quiapo.

Maaga ding nagpadala ng bulaklak ang ilang kaibigan at tagasuporta ng mga Aquino kabilang si dating Senador Alfredo Lim at pamilya Villar.

Dumalo sa isinagawang misa ang magkakapatid na Aquino, kabilang si dating Pangulong Benigno Aquino III.

Dumating din sa idinaos na misa si Vice President Leni Robredo.

January 23, 1933 ipinanganak si dating Pangulong Cory Aquino at pumanaw ito noong August 1, 2009 dahil sa sakit na colorectal cancer.

 

 

Read more...