Sinakyang tugboat ni Pangulong Duterte, naubusan ng krudo kaya na-late sa event sa Malakanyang

Bahay Pangarap Naubusan ng krudo ang sinasakyang tugboat ni Pangulong Rodrigo Duterte kung kaya na-late siya kahapon ng ilang minuto sa launching ng Association of Southeast Asian Nations 2017 committee in business and investment promotion.

Ayon sa pangulo, tatlong minuto lang naman siyang late kahapon sa nasabing event na ginanap sa Rizal Hall ng Malakanyang.

Paliwanag ni Pangulong Duterte, hindi siya nakatira sa loob ng palasyo kundi sa Bahay Pangarap kaya kinakailangan niyang tumawid ng Ilog Pasig.

Sa nasabing event, pinangunahan ni Pangulong Duterte ang ceremonial launching ng ASEAN Business and Investment Program.

Una rito ay inireklamo na rin ng pangulo ang kanyang sinasakyang tugboat na dahil aniya sa kalumaan ay tumitirik sa kalagitnaan ng biyahe kapag tumama sa water lily.

 

Read more...