Pinapanagot ng Bagong Alyansang Makabayan ang mga Amerikanong sangkot umano sa madugong Mamasapano encounter na ikinasawi ng apat naput apat na Special Action Forces troopers dalawang taon na ang nakakalipas.
Ayon kay BAYAN Secretary General Renato Reyes, napapanahon lang na maungkat ang papel ng mga Amerikano sa operasyon ng pagtugis kay Zulkifli bin Hir alyas Marwan.
Maliban aniya kay dating PNP Chief Alan Purisma, dapat ding managot si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino sa madugong Oplan Exodus.
Suportado aniya ng grupo ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling buksan ang imbestigasyon upang malantad ang tunay na naging kontribusyon ng mga Amerikano at hindi na maulit sa bansa.
Samantala, magsasagawa mg kilos-protesta ang grupo kasama ang Volunteers Against Crime and Corruption sa harap ng Ombudsman mamayang tanghali.