Matapos mabalitang buntis, Kylie Padilla engaged na kay Aljur Abrenica

IG PHOTO
IG PHOTO

Kinumpirma ng kampo ng aktres na si Kylie Padilla na engaged na ito at ang aktor na si Aljur Abrenica.

Ito ay matapos na ilang araw na maging usap-usapan sa industriya ang pagiging tatlong buwang buntis ng Encantadia star.

Sa Instagram post ng Vidanes Celebrity Marketing na humahawak sa career ni Kylie, inihayag ang engagement ng dalawa.

IG PHOTO

“Vidanes Celebrity Marketing would like to announce to the great public the engagement of Ms. Kylie Padilla and Mr. Aljur Abrenica,”

Samantala, si Kylie naman ay nag-post din sa kaniyang Instagram account ng larawan nila ni Aljur na magkayakap.

Sa caption, nakasaad na bagaman naging mahirap para sa kanilang dalawa ang sitwasyon nitong nagdaang mga araw, nais umano niyang makilala ng tao si Aljur gaya ng pagkakakilala niya dito.

 

Read more...