Ronnie Ricketts, hiniling na ibasura ang kaso sa laban sa kanya

ricketts
Inquirer File Photo

Hiniling ni Optical Media Board (OMB) Chairman Ronald “Ronnie” Ricketts sa 4th Division ng Sandiganbayan na iatras ang mosyon ng prosekusyon ukol sa kanyang suspensyon, at baligtarin ang resolusyon ng korte noong July 8 na nag-utos ng dismissal n’ya sa puwesto matapos umanong labagin ang Section 3 (e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act 3019).

Iginiit ni Ricketts na hindi niya inutos ang pag-kumpiska ng mga pirated digital video discs o DVD at video compact discs o VCD noong May 27, 2010.

Ayon sa kanyang abugado na si Sarah Hermida, tanging si Glenn Perez, OMB Enforcement and Inspection Division computer operator ang kinasuhan ng Office of the Ombudsman .

Matatandaang nagsagawa ng raid ang OMB sa Sky High Marketing Office sa Quiapo, Manila noong May 27, 2010 at nakumpiska ang 127 kahon at 2 sako ng pirated DVDs at VCDs, maging ang pag aresto sa tatlong chinese nationals.

Ang mga nakumpiskang bagay ay dinala sa OMB headquarters sa Quezon City ng parehong araw.

Ayon kay Perez, iniutos umano ni Ricketts ang pagbalik ng mga nakumpiskang pirated items, kasama na ang paglaagay sa elf truck na pagmamay ari umano ng Sky High Marketing Corporation.

Ani Hermida, walang patotoo ang sinasabi ni Perez.

Dagdag pa ni Hermida, “Accused was not at the scene of the alleged offense and the statement of Perez contradicted accused Ricketts’ phone records submitted during the preliminary investigation, establishing that he never called up accused Perez.”/Stanley Gajete

Read more...