Biktima rin kami ng political harassment tulad ni Sen. Grace Poe.
Ito ang iginigiit ng kampo ni Vice President Jejomar Binay kaugnay ng isinusulong na dwalipikasyon laban kay Senator Grace Poe sa ilalim ng Senate Electoral Tribunal.
Ayon kay Atty. Rico Quicho, spokesperson for political affairs ni VP Binay,nauunawaan nya ang sitwasyong pagpapatalsik kay Poe at ang paghahain ng senadora laban dito.
Aniya, halos kinukwestyon ng lahat ang tungkol sa kanyang pamamalagi sa Pilipinas at ang kanyang citizenship bilang senadora na inihain kontra sa kanya ni Rizalito David, isang talunang senatiorial candidate.
Dagdag pa ni Quicho, nakikita nila na pareho lamang ang konteksto nina Binay at Poe.
Matatandaag sa loob ng 12 buwan, nakaranas ng harassmen diumano si VP Binay kasama ang iba’t ibang isyu at paratang na una nang binitawan ni Sen. Francis Escudero, at iba pang kasama sa senado.
Umusbong ang halu-halong isyu, matapos ianunsyo ni VP Binay na kakandidato siya sa pagkapangulo sa 2016, maging ang kanyang pangunguna sa iba’t ibang performance at trust surveys.
Sa senado, Hindi pa tapos ang mga pagdinig laban sa mga umano’y katiwalian ng pamilya Binay sa Makati City. /Stanley gajete