Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Theodore Te, Ibinalik ng Korte Suprema sa docket section bilang isang regular na administrative case ang imbestigasyon laban kina Judge Carlos Arguelles ng Baybay, Leyte RTC branch 14, Judge Tarcelo Sabarre Jr. ng RTC Branch 30 ng Basey Samar at Judge Janet Cabalona ng RTC Branch 33 ng Calbiga, Samar.
Sampung araw ang ibinigay ng korte kina Arguelles, Sabarre at Cabalona para mag-komento sa naging obserbasyon ng Korte.
Ipinauubaya na ng Korte ang kasong administratibo kay Associate Justice Gabriel Ingles ng Court of Appeals sa Cebu City at inaasahang maglalabas ito ng report at recommendation sa loob ng 90-araw.
Ang kaso ay nag ugat sa isinagawang pagsalakay ng mga tauhan ng CIDG-8 noong Nov 5, 2016 sa selda ni Mayor Espinosa sa sub-provincial jail sa Baybay, Leyte kung saan napatay si Espinosa Sr. at ang inmate na si Raul Yap.
Gayunman, naging kontrobersyal ang naturang opearsyon dahil sa kuwestyunableng hakbang ng mga tauhan ng CID.
Nawawala pa ang CCTV footage ng raid na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan.