Mainit na natalakay sa pagdinig sa Senado ang kontrobersiya sa pelikulang ‘Oro’ partikular na ang pagpatay sa isang aso.
Sa isang bahagi ng pagdinig, direktang sinabi ng beteranang aktres na si Nora Aunor na ‘sinungaling’ ang direktor ng pelikula na si Alvin Yapan.
Bago ito, itinanggi ni Yapan na kasama sa script ang pagpatay sa aso.
Katuwiran ng direktor, nakunan lang nila ang pagpatay sa aso na aniya ay ilulutong pulutan sa lamay ng isang namatay na residente kung saan sila nag-shooting ng pelikula.
Ngunit sa dakong huli inamin ni Yapan at ni Shandi Bacolod, ang producer ng pelikula na may pagkukulang sila kayat inutusan sila ni Poe na muling humingi ng paumanhin sa publiko.
Matatandaang umani ng batikos ang mga direktor ng naturang pelikula makaraang mabunyag na aktuwal na pinatay ang isang aso sa isa sa mga eksena sa naturang pelikula.