Miss Universe 2016 coronation sa January 30, ipinadedeklarang non-working holiday

Miss Universe1Ipinapadeklara ni Quezon City Rep. Winston Castelo sa gobyerno bilang isang non-working holiday ang January 30, 2017, ang petsa kung kailan gaganapin ang coronation sa Miss Universe 2016 beauty pageant.

Paliwanag ni Castelo, chairman ng House Committee on Metro Manila Development, ang pagdedeklara sa naturang petsa bilang isang non-working holiday ay may layong masaksihan ng sambayanang Pilipino ang pinakaaabangang patimpalak at para bigyang suporta na rin ang kandidata ng Pilipinas na si Maxine Medina.

Sakaling maging holiday ang petsa, sinabi ni Castelo na walang klase sa mga paaralan sa araw ng international beauty pageant kaya mabibigyan ng tsansa ang mga kabataang Pilipino na makapanood ng aniya’y ‘once-in-a-year spectacle.’

Dagdag ni Castelo, ang deklarasyon ng special holiday ay makakapagpapabawas din ng traffic sa Metro Manila, bukod pa sa mapapahinga ang bansa mula sa political noise at corporate stress.

Umaasa ang kongresista na pareho rin ang tugon ng Malacañang sa kanyang suhestyon at agad maidedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang holiday lalo’t ilang araw na lamang bago ang pageant.

Taong 1994 nang huling i-host ng Pilipinas ang Miss Universe, at ngayong taon ay nabigyan muli ng pagkakataon ang bansa para maidaos dito ang kumpetisyon.

 

Read more...