Ayon kay Ernie Fabia ng MMDA Metrobase, naganap ang aksidente alas 5:45 ng umaga sa bahagi ng EDSA-P.Tuazon tunnel southbound.
Sangkot sa nasabing aksidente ang isang L300 van, isang pick-up at tatlong kotse.
Bagaman isang linya lang ang okupado ng aksidente, nagdulot pa rin ito ng maagang pagsisikip sa daloy ng traffic sa EDSA southbound.
Ayon sa MMDA, umabot pa hanggang sa EDSA-Quezon Avenue ang tail-end ng traffic para sa mga sasakyang patungong Makati City.
Halos kasabayan din ng nasabing aksidente ang isa pang aksidenteng sangkot naman ang motorsiklo at delivery van na nangyari malapit sa southbound din ng EDSA-Santolan flyover.