WATCH: 69-anyos na lola, patay sa sunog sa Tondo

Kuha ni Cyrille Cupino
Kuha ni Cyrille Cupino

Nasawi sa sunog na naganap sa Alfonso Street, Balut, Tondo Maynila ang isang 69-anyos na babae.

Ayon sa mga residente, nagsimulang sumiklab ang apoy pasado alas 3:00 ng madaling araw at agad naideklarang under control alas 4:33 ng umaga.

Sinabi ni Joel Hornelia, nagawa nilang makatalon sa terrace ng kanilang inuupahang bahay, pero naiwan sa kaniyang kwarto sa 2nd floor ang kanilang ina na si Rosalia Hornelia na isang retiradong guro.

Limang bahay ang natupok sa nasabing sunog at aabot sa sampung pamilya ang nawalan ng tirahan.

Alas 5:57 ng umaga nang tuluyang maideklarang fire out ang sunog.

Sa pagtaya ng Bureau of Fire Protection, aabot sa mahigit dalawang milyung piso ang halagang tinupok ng apoy.

Read more...