Nakakulong na ngayon ang may-ari ng isang publishing company dahil sa hindi pagbabayad at pagremit sa Social Security System (SSS) ng kontribyusyon ng kanilang mga empleyado sa social security pati na ng Employees’ Compensation (EC) matapos paigtingin ng ahensya ang kampanya nito.
Kasama ang PNP, inihain ng SSS ang dalawang warrants of arrest laban sa dalawang delingkwenteng employers.
Hinatulan ng Makati Regional Trial Court sina Victor A. Caluag, ang kanyang 83-taong ina na si Conchita, at Ma. Antonietta R. Henson, miyembro ng Board of Directors ng Silver Stream Publishing Corporation, ng hindi pagbabayad ng kontribusyon sa SSS.
Subalit, ang akusadong si Antonietta Henson ay hindi pa nahuhuli at ang kaso laban kay Realiza G. Henson ay inilagay muna sa archive dahil hindi pa siya nahaharap sa hukuman para sa pagsasakdal.
Batay sa desisyon, hindi sinunod ng mga akusado ang kondisyon ng kanilang pyansa at hindi sumipot sa mga pagdinig sa korte kahit na binigyan sila ng notice kaya nag-isyu ang korte ng bench warrants laban sa kanila.
Noong January 19, inaresto ang mga Caluag sa kanilang bahay sa Bel-Air Village, Makati City.
Makukulong sila ng anim hanggang walong taon at pinagbabayad ng halagang P1,608,837.45 milyon para sa mga hindi nabayarang kontribusyon kasama na ang mga multa hanggang Disyembre 15, 2011
Ayon kay Social Security Commission (SSC) Chairman Dean Amado D. Valdez, ito ay isang babala sa mga employer na walang sinuman ang mas makapangyarihan sa batas at hindi papayag ang SSS sa patuloy na pagwawalang-bahala sa social security protection ng mga miyembro.
Maghahain din dapat ng warrant of arrest kina Dominador I. Lim, Florencio I. Lim, Rufino Tan Manuel L. Lopez at Jose Fernandez, Jr., mga may-ari ng Paladin Protective & Security Services, Inc. para sa hindi pagre-remit ng loan repayments sa SSS.
Subalit, hindi na sila nakatira sa huling address nila sa San Antonio Village, Makati City.
Sa simula ng buwan, inanunsyo ni Dean Valdez na magpapatupad ang SSS operation “tokhang” bilang isang paraan ng pangongolekta.
“Gagamitin ng SSS ang lakas ng batas para hanapin ang mga delingkwenteng employers na may nakasampang kaso laban sa kanila dahil kailangan nilang panagutan ang hindi pag-report ng kanilang mga empleyado, hindi paglalabas ng mga dokumento, at hindi pagbabayad ng prima pati na ang mga bayad sa utang sa SSS ng kanilang mga empleyado,” ayon kay Atty. Stella Berna Valentona-Inacay, Officer-In-Charge, NCR South Operations Legal Department.
Sa simula ng buwan, inanunsyo ni Dean Valdez na magpapatupad ang SSS operation “tokhang” bilang isang paraan ng pangongolekta.
Sa ilalim ng mekanismong ito, maglalabas ng show cause order ang SSS sa mga delingkwenteng employers para bigyan sila ng pagkakataon na sumunod sa SS Act.
Kung hindi, sasampahan sila ng kaso.
Idinagdag ni Dean Valdez na ilalabas sa media ang pangalan ng mga nagungunang delingkwenteng employers.