Pagpapatupad ng zipper lane sa EDSA southbound, suspendido muna; muling sasailalim sa pag-aaral ng MMDA

INQUIRER PHOTO
INQUIRER PHOTO

Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dapat sana ay full implementation ngayong araw ng zipper lane sa southbound lane ng EDSA.

Unang target ng MMDA na ipatupad ang zipper lane mula alas 9:30 hanggang alas 11:30 ng umaga araw-araw sa bahagi ng EDSA Main Avenue soutbound hanggang sa Ortigas.

Pero nang magsagawa ngd ry-run noong Biyernes, lumuwag nga ang daloy ng traffic sa southbound, nagdulot naman ito ng pagsisikip sa daloy ng traffic sa EDSA northbound.

Sa tweet ng mga motoristang naapektuhan ng traffic sa northbound lane sa EDSA, kapag rush hour sa umaga ay hindi naman sila nata-traffic.

Pero noong Biyernes, umabot sa Makati ang tail-end ng traffic sa northbound.

Aminado si MMDA Chairman Tim Orbos na kailangan nilang pag-aralan muli ang Sistema para matukot kung anong bahagi nito ang maaring ayusin.

Humingi din ng pang-unawa sa publiko si Orbos sa mga motoristang napeperwisyo ng traffic kasabay ng pagtitiyak na kanilang ginagawa ang lahat upang matugunan ang matinding problema sa traffic sa Metro Manila.

 

 

Read more...