Ayon sa PAGASA, magpapatuloy ngayong maghapon ang hanggang sa katamtamang mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa dahil sa tail-end ng cold front na umiiral sa eastern section ng Southern Luzon at sa Amihan naman ang naka-aapekto sa Northern at Central Luzon.
Sa pagtaya ng panahon, sinabi ng PAGASA na makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ngayong araw sa Metro Manila, sa mga rehiyon ng Bicol at Davao at sa mga lalawigan ng Aurora, Rizal, Laguna, Quezon at Samar.
Mahinang pag-ulan naman ang mararanasan sa Cagayan Valley, Cordillera, at nalalabing bahagi ng Central Luzon.
Habang bahagyang maulap na papawirin naman ang mararanasan na may isolated na rainshowers at thunderstorms sa nalalabing bahagi ng bansa.