COA: LGUs at DND, lumabag sa patakaran ng disaster fund management

 

Napag-alaman ng Commission on Audit (COA) na hindi sumunod sa alituntunin sa paggamit ng disaster risk reduction and management (DRRM) funds noong 2015 ang mga local government units (LGUs) at ang Department of National Defense (DND).

Ito ay base mismo sa kauna-unahang report ng COA tungkol sa alokasyon sa nasabing pondo.

Ayon sa COA, 22 local government units ang hindi naglaan ng hindi bababa sa P124.95 milyong halaga ng pondo para sa Local Disaster Risk Reduction and Management Fund, kabilang ang isang LGU sa National Capital Region na hindi nag-allocate ng P93.79 milyon.

Bigo umanong sumunod ang mga LGUs sa Section 21 ng Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 kung saan nakasaad na ang 5% na revenue ay dapat ilaan para sa disaster preparedness at mitigation.

Ayon pa sa report, walang katiyakan na naipatupad ng mga nasabing LGUs ang mga DRRM projects at programs.

Samantala, may 183 na LGUs naman na hindi nag-transfer ng kanilang hindi nagamit na LDRRMF balances na umaabot sa P3.05 bilyon ang halaga, sa Special Trust Funds.

Ito ay ang standby sum na nakalaan sana para suportahan ang mga disaster management programs ng hanggang sa limang taon.

Napatunayan naman ng COA na may 124 LGUs na hindi ginamit sa tamang paraan ang kanilang disaster risk management fund na aabot sa P244.997 million ang halaga.

Bukod sa mali o hindi paggamit ng mga pondo, napag-alaman rin ng COA na may 57 LGUs ang hindi nagtayo ng Local Disaster Risk Reduction and Management Offices, at 10 dito ay pawang mula sa Cordillera Administrative Region.

Sa kasi naman ng DND, mayroon silang P572.9 milyong halaga ng pondo na maaring magamit sa DRRM services, ngunit tanging P236.31 dito ang kanilang nagamit.

Mali rin umano ang paggamit ng DND sa Quick Response Funds, dahil ginamit ito sa rehabilitasyon at pagpapaayos ng kanilang mga opisina at gusali na dapat ay sagutin na ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sinabi rin ng DND na hindi muna nila dapat inilabas ang P120.27 milyong halaga ng pondo sa kanilang mga ahensya dahil mayroon pa silang P456.12 milyong halaga ng unliquidated fund transfers.

Pinuna naman sa nasabing report ang mabagal na distribusyon ng fishing gear at mga bangka sa mga mangingisdang naapektuhan ng bagyong Yolanda dahil sa naantalang procurement at limitadong manpower at transportasyon.

Read more...