Pinakamatinding tinamaan ng bagyo ang isang probinsya sa bahagi ng south-central Georgia, kabilang ang isang trailer park kung saan pito ang namatay.
Ayon naman sa iba pang media reports, may apat na iba pang nasawi sa iba pang bahagi ng nasabing state, habang 23 naman ang sinasabing nasugatan.
Iniulat ng National Oceanic and Atmospheric Administration na malaki ang pinsalang natamo ng ilang bahagi ng Georgia, kung saan maraming puno ang nabuwag at ilang linya ng kuryente ang nasira.
Bagamat nakaalis na ang mga bagyo, nagbabala ang mga otoridad na may panibagong sama ng panahon ang paparating na may kasamang banta ng mas malalakas na ulan at hangin.
Nagbabala rin ang National Weather Service na mayroong mas matinding banta ng malakas at long-tracked na mga buhawi na maaring tumama sa northern at central Georgia.
Ilang bahagi ng Georgia ang nakaranas na ng 4 inches ng ulan at maari pa itong madagdagan ng 3 inches base sa ulat ng NWS.