Ayon kay Energy Minister Alexander Novak, ito ay alinsunod sa naging kasunduan ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) oil cartel noong Nobyembre na magbabawas na sila ng produksyon ng langis upang mapataas muli ang presyo nito.
Ilang bansa naman na hindi kasali sa OPEC, tulad ng Russia, ang gumawa rin ng parehong hakbang at sumunod sa pagbabawas ng produksyon nila ng langis.
Napataas ng mga kasunduang ito ng 20 percent hanggang sa $50 per barrel ang halaga ng langis, ngunit napigilan din ito dahil sa kawalan ng kumpyansa sa pagpapatupad nito, at dahil na rin sa pagtaas ng US shale production bunsod ng mas matataas na presyo.
Isang komite na nakatakdang i-monitor ang pagsunod sa mga kasunduan ang nakatakdang magpulong sa Vienna.
Una nang nangako ang Russia na magbabawas sila ng hanggang sa 300,000 barrels per day sa kanilang arawang produksyon pagdating ng unang half ng 2017.