Andy Murray, laglag na sa Australian Open

 

Laglag na sa Australian Open ang World No. tennis player na si Andy Murray, matapos siyang talunin ng 50th ranked na si Mischa Zverev.

Natalo ni Zverev si Murray sa iskor na 7-5, 5-7, 6-2 at 6-4.

Walong beses na hindi nasalo ni Murray ang kaniyang serve sa laban nila ni Zverev na tumagal ng 3 hours at 34 minutes sa Rod Laver Arena.

Dahil dito, didiretso na sa quarterfinal si Zverev laban sa mananalo sa laro nina Roger Federer at Kei Nishikori.

Ito naman ang kauna-unahang pagkakataon na wala sa number 1 o number 2 seed ang nakapasok sa Australian Open quarterfinals.

Hindi rin kasi nanalo ang six-time defending champion na si Novak Djokovic sa kanilang second-round wild card entry nina Denis Istomin sa sidelines.

Read more...