Masbate, niyanig ng magnitude 2.5 na lindol

 

Mula sa Phivolcs

Niyanig ng magnitude 2.5 na lindol ang lalawigan ng Masbate Linggo, dakong alas-9:18 ng gabi.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PhiVolcs), naitala ang episentro ng lindol siyam na kilometro sa silangan ng Masbate City, Masbate.

May lalim itong 16 na kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Naitala ang Intensity II sa Masbate City dahil sa lindol.

Wala namang iniulat na pinsala sa struktura resulta ng pagyanig.

Read more...