Sa isang panayam ng pahayagang ‘El Pais’ ng Spain, ipinaliwanag ni Pope Francis na maituturing na pinaka-mainam na halimabawa ng ‘European populism’ ay ang bansang Germany noong taong 1933.
Ayon sa Santo Papa, nang nasa ilalim ng matinding krisis ang naturang bansa, dumating ang isang ‘karismatikong’ lider na nagngangalang ‘Adolf Hitler’ na nagbitiw ng maraming pangako sa kanilang mamamayan.
Nangako rin ito aniya na ibabalik ang nawalang pagkakakilanlan o ‘identity’ ng kanilang bayan.
Ngunit aniya, sa halip na maibalik, sinira pa nito ang kanyang bansa.
“Hitler did not steal power, he was elected by his people and then he destroyed his people.” Pahayag ng Santo Papa.