Kumpleto na ng Philippine Basketball Association o PBA ang dalawampu’t apat na manlalaro na nakakuha ng pwesto sa training pool ng Gilas Pilipinas ngayong 2017.
Kabilang sa inanunsyong 12 veteran selections at pasok sa 24-man Gilas Pilipinas training pool ay sina:
– Calvin Abueva (Alaska)
– Art Dela Cruz (Blackwater)
– Japeth Aguilar (Baranga Ginebra)
– Terrence Romeo (Globalport)
– LA Revilla (Mahindra)
– Jonathan Grey (Meralco)
– Bradwyn Guinto (NLEX)
– Norbert Torres (Phoenix)
– Raymond Almazan (Rain or Shine)
– June Mar Fajardo (San Miguel)
– Paul Lee (Star)
– Jayson Castro (TNT)
Nauna nang inanunsyo na kasama sa training pool ng Gilas Pilipinas sina:
– Carl Bryan Cruz (Alaska)
– Kevin Ferrer (Ginebra)
– Mac Belo (Blackwater)
– Von Pessumal (Globalport)
– Russel Escoto (Mahindra)
– Ed Daquioag (Meralco)
– Alfonzo Gotladera (NLEX)
– Matthew Wright (Phoenix)
– Mike Tolomia (Rain or Shine)
– Arnold Van Opstal (San Miguel)
-Jio Jalalon (Star)
Ayon kay Coach Chot Reyes, ang pool ay posibleng isabak sa 2019 FIBA Basketball World Cup.
Pero bago ito, magiging abala muna ang koponan ngayong 2017 sa iba’t ibang kumpetisyon gaya ng SEABA Championship, na magsisilbing qualifier para sa bagong FIBA Asia Continental Cup sa Nobyembre at SEA Games sa Agosto.