Umaasa si Dalai Lama na magtutulungan sina United States of America President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin para sa ‘global peace.’
Ayon ky Dalai Lama, kailangang-kailangan ng mundo ngayon ng mga lider na may ‘compassion.’
Inihayag ito ng exiled spiritual leader ng Tibetan Buddhists sa isang programa sa New Delhi na inorganisa ng mga miyembrong kababaihan ng isang industry group.
Noong Nobyembre ng nakalipas na taon, sinabi ni Dalai Lama na wala siyang pangamba sa pagkakahalal kay Trump bilang pangulong ng Estados Unidos.
Sa katunayan, nais umano niyang makilala ng personal si Trump matapos ang panunumpa nito.
MOST READ
LATEST STORIES