Pope Francis, ayaw munang magbigay ng opinyon ukol sa Donald Trump

pope-francis-musing-APTumanggi muna si Pope Francis na magbigay ng kanyang opinyon ukol sa bagong-upong pangulo ng Estados Unidos na si Donald Trump.

Sa halip, paiiralin ng Santo Papa ang ‘wait and see’ o nais muna nito na magkaroon ng pagkakataon na makita ang mga aksyon at polisiyang ipatutupad ni Trump.

Hindi rin umano siya tipo ng tao na nanghuhusga ‘prematurely.’

Nauna nang hinimok ni Pope Francis si Trump na maging ‘guided’ ng ethical values, at pangalagaan ang mga mahihirap at ‘outcast’ sa panahon ng kanyang pamumuno bilang presidente ng Amerika.

Read more...