7 katao, sugatan sa kakera ng dalawang bus sa Bohol

BOHOLSugatan ang pito katao nang magkarera ang dalawang bus sa isang national highway sa Sierra Bullones sa Bohol.

Ayon kay PO1 Prince John Escatron, imbestigador ng Sierra Bullones police station, isang Southern Star bus na may plakang FSHM 653 na patungong Tagbilaran ang nakipag-unahan sa isang Clynn Bus sa bahagi ng Barangay Poblacion.

Paliwanag aniya ng mga nakasaksi, nawalan ng kontrol ang drayber na si Danilo Bruno kung kaya’t nawala sa linya ng kalye ang bus at tumalsik ang mga pasahero mula sa kanilang mga upuan.

Samantala, kasalukuyang ginagamot ang sugatang si Bruno, bus inspector, bus ticket seller at apat na pasahero sa Congressman Simeon Toribio Memorial Hospital sa bayan ng Carmen.

Read more...