Ayon kay Shadid Khan, assistant tribal administrator, sumabog ang naturang bomba habang namimili ang mga residente ng gulay at prutas sa isang wholesale shop.
Inamin naman ng militanteng grupong Lashker-e Jhangvi na sila ang responsable sa bomb attack.
Sa isang text message, sinabi ng tagapagsalita ng bandidong grupo na si Ali Sufyan na katuwang ng grupo sa bomb attack ang Shahryar group ng Mahsud Taliban.
Samantala, sinabi ni Shiite leader Faqir Hussain na dinala na ang mga labi ng mga nasawing biktima para sa isang inialay na funeral prayer sa Shiite mosque.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa naturang pag-atake.