Lalaking una nang sumuko sa Oplan Tokhang, patay sa engkwentro sa Caloocan City

Caloocan
Kuha ni Cyrille Cupino

Patay ang isang lalaki matapos kumasa sa mga pulis sa Brgy. 59, 8th Avenue, Caloocan City.

Sa paunang imbestigasyon ng Caloocan City Police, may nag-report umano sa kanila na isang concerned citizen kaugnay ng isang armadong lalaking paikot-ikot sa kanilang barangay.

Agad rumesponde ang mga pulis at nang sitahin ang suspek na si Ricky Pahati, agad naman umano itong nagpaputok.

Dahil dito, napilitang gumanti ang mga pulis at napatay ang suspect.

Kilala umanong gumagamit ng droga ang suspect na makailang beses na ring sumuko sa Oplan Tokhang.

Sinasabing sangkot rin sa ilang insidente ng pagnanakaw sa barangay ang suspect.

Narekober ng mga pulis sa kamay ng suspect ang isang caliber .38 na revolver, at ilang sachet ng hinihinalang shabu.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Caloocan City PNP sa nasabing insidente.

Read more...