Magsasagawa ng imbestigasyon si Senator Grace Poe kaugnay ng umanoy delayed “disaster text alerts” sa ilang lugar kabilang ang Cagayan de Oro City (CDO).
Ayon kay Poe, sa ibang lugar gumagana ang mga naturang text alerts pero sa ibang lugar katulad ng naganap na pagbaha sa CDO ay 24 hours o isang araw na late ang pagdating ng nito.
Dagdag pa ni Poe na gusto niyang malaman kung bakit late ang pagdating ng mga nasabing textx kahit meron pa namang internet at cellular service.
Magaganap ang public hearing sa kaugnay ng free disaster text alerts sa susunod na dalawang linggo.
Iimbitahan ni Poe na siyang may-akda ng Free Mobile Disaster Alerts Act ang telecommunications companies sa pagdinig na gaganapin.
Aniya kasama ito sa mga responsibilidad sa batas ng mga telcos.
Matatandaang binaha ng matindi ang CDO dahil sa patuloy na pag-uulan sa lugar kung saan tatlong katao ang kumpirmadong patay habang hindi baba sa 3,000 katao ang naapektuhan sa lungsod.