Iginiit ni Jinky Sta. Isabel, asawa ni SPO3 Ricky Sta. Isabel na may ebidensya na magpapatunay na inosente ang kanyang asawa sa pagdukot at pagpatay sa South Korean businessman Jee Ick Joo.
Ayon kay Jinky meron siya umanong recorded cellphone conversation na siyang umanong nagdadawit kay Police Supt. Rafael Dumlao III, ang team leader ng PNP anti-illegal drugs group.
Aniya sinabi sa kanya ni Dumlao na si Jee ay sangkot sa illegal drug trade at money laundering na kung saan may boss itong nagngangalang Albert Chua.
Dagdag pa ni Jinky na si Dumlao ang nagkumbinsi sa kanya na kumbinsihin ang kanyang asawa na mag-confrim sa sinasabi nitong ise-scenario nilang patayin.
Sinabi pa ni Jinky na ipinangako ni Dumalo sa kanya kung gagawin ng kanyang asawa ang naturang kumpirmasyon ay aalisin na ni PNP chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang manhunt orders laban kay Sta. Isabel.
Hindi narinig ng kanyang asawa ang nasabing recorded conversation dahil kanya na itong ibinigay sa National Bureau of Investigation.
Sinabi rin ni Jinky na hindi sasang-ayon ang kanyang asawa sa naturang plano dahil malaki ang takot nito sa Diyos.