Ang usapin sa pagkakaroon ng dayalogo ng Simbahan Katolika kay Duterte ay bagay na pinagdedesisyunan ng mayorya ng mga Obispo sa bansa hindi lang ng iisa.
Ayon kay Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng Permanent Committee on Public Affairs ng CBCP, na magandang hakbang ang pagkakaroon ng dayalogo para mapag-usapan ang ilang mag solusyon sa problema ng ilegal na droga.
Dagdag pa ni Secillano, magiging maganda sa dalawang panig ang magkaroon ng pag-uusap para magkaroon ng sama-samang aksyon sa kung papaano tutugunan legally, ethically at morally ang problema ng ilegal na droga sa bansa.
Ang naging komento ng naturang opisyal ng CBCP ay kasunod ng naging pahayag ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na bukas ang Malakanyang sa pagkakaroon ng dayalogo.
Kaugnay nito ang naging mag pahayag ni Duterte laban sa Simbahang Katolika sa kritisismo nito sa isyu ng extra-judicial killings sa gitna ng kampanya laban sa ilegal na droga ng pamahalaan.