Christian Bables, isa ng ‘Regal baby’

inquirer file photo

Kasunod ng pagganap ni Christian Bables sa internationally acclaimed film na “Die Beautiful” ay opisyal na siyang bahagi ng Regal Entertainment matapos itong pumirma ng kontrata dito.

Unang napansin si Bables ng maging bahagi siya ng pelikula nila Kiray Celis at Enchong Dee na “I Love You to Death” noong 2016.

Sumunod dito ang naging pagganap niya bilang ‘Barbs” sa Metro Manila Film Festival entry na “Die Beautiful” kung saan siya nanalo bilang Best Supporting Actor.

Kaugnay nito, mga limang taon na ang nakararaan ng sinusubukan ni Bables na makapasok sa showbiz industry kung saan patuloy siyang sumasailalim sa mga acting workshops hanggang sa mabigyan siya ng break.

Ayon kay Bables natutuwa siya na siyang pinagkakatiwalaan ng pamununan ng Regal Entertainment.

Sa kasalukuyan ay kaliwa’t kanan ang mga nagiging offer sa kanya pero kanyang binigyang prayoridad ang Regal Entertaibnment dahil ito aniya ang unang nagtiwala sa kanya habang kanilang pinag-aaralan kasama ang kanyang mga managers ang iba pang offers.

Read more...