Personal na nagpahatid ng kanyang pakikiramay sa mga kaanak ng Korean national na si Jee Ick Joo si Interior Sec. Ismael Sueno.
Kasabay nito ay tiniyak ng opisyal na may mga pulis na mananagot kaugnay sa sinapit ng biktima na umano’y pinatay mismo sa loob ng Camp Crame.
Sinabi ni Sueno na base sa kanilang inisyal na imbestigasyon ay kinakitaan nila ng ilang mga kaso si SPO3 Ricky Sta. Isabel na sinasabing mismong pumatay sa biktima.
Bukod kay Isabel, iniimbestigahan na rin sa kasalukuyan sina SPO4 Roy Villegas, Ramon Yalung iba pa na kinilala lamang sa mga aliases na “Pulis,” “Jerry,” “Sir Dumlao” and “Ding.”
Idinagdag pa ni Sueno na bukas rin siya sa gagawing imbestigasyon ng Kamara sa nasabing isyu para hindi na ito maulit pa sa hinaharap.
Kaugnay nito ay tiniyak ng opisyal na isolated case lamang ang nangyari sa nasabing biktima kasabay ang pagtiyak na hindi na ito mauulit pa.
Bukas ay nakatakdang magpunta sa Camp Crame si Pangulong Rodrigo Duterte at inaasahang magpupulong sila ni PNP Chief Ronald Dela Rosa hingil sa nasabing pangyayari.