San Miguel Beermen, panalo kontra GlobalPort Batang Pier

san miguel beermenPanalo ang San Miguel Beermen kontra GlobalPort Batang Pier sa score na 106-100 sa 2017 PBA Philippine Cup sa Hoops Dome sa Lapu Lapu City, Cebu.

Pinangunahan ni Arwind Santos ang kanyang koponan sa kanyang 31 points at 10 rebounds na naitala.

Nakapagtala rin si Marcio Lassiter ng 22 points habang si June Mar Fajardo ay may 19 points at 15 rebounds.

Ang naitalang 31 points ni Santos ay ang kanyang pinakamataas na record mula ng kanyang maitala  ang kanyang career-high na 34 points noong 2012 Commissioner Cup kalaban ang Rain or Shine.

Sa kasalukuyan meron ng siyam na panalo at isang talo ang Beermen sa naturang liga.

Read more...