Sinabi ni Recto na dapat maging determinado rin ang dalawang kagawaran na magtulungang magtayo ng water facilities sa 46,739 public elementary schools gaya ng ng pagsulong ng mga ito sa pamimigay ng condom sa mga estudyante.
Dagdag ni Recto, maliit na bahagi lamang ng 493,669 na silid-aralan sa buong bansa ang may palikuran.
Aniya, tinatayang nasa limang milyong estudyante ang apektado nito.
Sinabi rin ng senador na apektado rin nito ang school feeding program ng pamahalaan na para dapat sa 1.9 milyong underweight na estudyante mula Kindergarten hanggang Grade 6.
Batay naman sa ulat ng DepEd noong March 2016 ay umaabot sa 3,628 sa 46,739 na paaralan sa bansa ang walang tubig habang 8,109 naman ang umaasa lamang sa tubig-ulang naiimbak nito.