Lubog pa rin sa tubig baha at hindi madaanan ng anumang uri ng sasakyan ang national road na nag-uugnay sa mga bayan ng Lapaz at Esperanza sa Agusan del Sur.
Sa report ni Major General Benjamin Madrigal ng 4th Infantry Division ng Philippine Army, mabagal ang pagbaba ng tubig-baha sa lugar.
Sa kasalukuyan ay umaabot pa rin sa 10,385 pamilya sa 62 Barangay sa mga bayan ng Lapaz, Esperanza at Les Nieves ang nananatili pa rin sa mga evacuation centers.
Winasak rin ng baha dulot ng buntot ng cold front ang tulay sa Barangay Tinago sa bayan ng Malimono, Surigao Del Sur.
Sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 2,127 pamilya pa rin ang nananatili sa Butuan City Central School at Agusan National High School.
Patuloy pa rin ang dating mga relief goods sa mga biktima ng baha ayon sa NDRRMC.