Naglaan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng P1.2 Billion na pondo para sa maresolba ang urban flooding sa malaking bahagi ng Cagayan De Oro City.
Sinabi ni DPWH Region 10 Spokesperson Vinah Maghinay na tatlong taon ang aabutin bago matapos ang nasabing proyekto.
Aminado ang opisyal na nahihirapan sila sa pagkuha ng right of way sa ilang mga dadaanang lupain ng nasabing flood control project.
Kabilang dito ang paglalagay ng mas malaking mga underground waterways sa lungsod.
Magugunitang noong isang linggo ay inabot ng lampas tao ang baha sa ilang lugar sa Cagayan De Oro City dahil sa flashfloods na dulot ng buntot ng cold front.
Hinimok rin ng mga opisyal ng DPWH ang mag residente ng lungsod na iwasan ang pagtatapon ng mga basura sa mga daanan ng tubig para hindi magbara ang mga ito.