Ang 63 anyos na si Loalwa Braz ang lead vocalist ng French group na “Kaoma” at nagpasikat ng awiting “La Lambada” noong 1989.
Ayon sa mga otoridad, nakita nila ang sunog na kotse sa coastal district ng Saquerema malapit sa Rio de Janeiro.
Sunog na sunog umano ang katawan ng singer nang matagpuan sa loob ng kotse malapit sa kaniyang bahay.
Iniimbestigahan naman ng mga otoridad ang mga ulat na mayroong dalawang lalaking nakita sa bahay ng singer bago naganap ang sunog.
MOST READ
LATEST STORIES