Duterte, kinuwestyon ang hindi paggamit ng military air assets sa Mamasapano encounter

mamasapanoKinuwestyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hindi paggamit ng air assets ng militar sa gitna ng madugong engkwentro sa Mamasapano noong 2015.

Sa oathtaking ng Philippine National Police sa Malacañang, sinabi ni Pangulong Duterte na ayaw na niyang balikan o ungkatin pang muli ang naturang isyu.

Pero binanggit ng pangulo na nakababahala na hindi ginamit ng militar ang kanilang air assets sa engkwentro.

Humingi pa ang pangulo ng opinyon sa mga pulis na dumalo sa oathtaking kung maituturing ba nila na may utak ang nagplano ng Oplan Exodus.

Matatandaan na iginiit ng Armed Forces of the Philippines na ginawa nila ang lahat para matulungan ang mga miyembro ng Special Action Force.

Bagaman nagtagumpay ang operasyon kung saan na-neutralize ang teroristang si Zulkifli bin Hir alyas Marwan, umabot naman sa apatnapung SAF members ang nasawi sa engkwentro.

Read more...