38 na bumbero, sugatan sa pagbagsak ng nasusunog na high-rise building sa Iran

Tehran, IranHindi bababa sa tatlumpu’t walong bumbero ang nasugatan matapos bumagsak ang isang nasusunog na high-rise commercial building sa Tehran, Iran.

Inilarawan ng isang witness ang pag-collapse ng nasabing gusali na katulad ng eksena sa isang horror na pelikula.

Ayon sa ulat, habang inaapula ang apoy na tumutupok sa gusali, bigla na lamang itong nag-collapse na nagresulta sa pagkakasugat ng mga bumbero.

Pero bago pa man mag-collapse ang gusali ay nailikas na ang mga naninirahan dito.

Pinangangambahan naman na posibleng may mga na-trap na iba pang bumbero sa bumagsak na gusali.

Hanggang ngayon ay patuloy ang isinasagawang rescue operation sa lugar.

Read more...