Ikinokonsidera na rin ng Angeles City police na suspek sa pagdukot ang kasambahay ng Koreanong negosyante na si Jee Ick Joo.
Base sa inisyal na imbestigasyon, lumabas na posibleng sangkot o may kinalaman ang kasambahay na hindi na pinangalanan ng pulis sa pagdukot kay Joo noong October 2016.
Nabatid na dalawang araw pa lamang nagta-trabaho ang naturang kasambahay sa pamilya ng South Korean nang maganap ang pangingidnap.
Kabilang din ang kasambahay sa dinukot pero kalaunan ay pinakawalan din.
Lumabas din sa imbestigasyon na hindi ginamit ng nasabing kasambahay ang kanyang totoong pangalan nang magtrabaho ito sa pamilya ni Jee.
Ngayon ay ipinasa na ng Angeles City police ang naturang kaso sa Philippine National Police Anti Kidnapping Group para sa mas masusing imbestigasyon.